Ilang grupo, dismayado sa pagkwento ni Duterte na paghawak sa ‘private part’ ng isang maid

Nakababahala at nakadidismaya ang pagmamayabang ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinawakan niya ang maseselang parte ng katawan ng kanilang dating kasamabahay noong kanyang kabataan.

Ayon kina Gabriela secretary general Joms Salvador at Babae Ako founder Jen Enriquez, lubhang nakagagalit na ang mga pananalita ng pangulo.

Masyado na rin aniyang delikado ang mga pinagsasabi ng pangulo hindi lamang para sa mga babae kundi maging para sa mga lalaki dahil maaring makaapekto ito sa kanilang pananaw.

Sinabi pa ni Enriquez na masyado nang mapoot para sa mga babae ang mga pahayag ng pangulo.

Kailangan na rin aniyang maging mapoot ang mga lalaki para hindi na pamarisan ang pangulo.

Matatandaan na umani na rin ng batikos ang pangulo matapos ipag utos sa mga sundalo na barilin sa maselang bahagi ng katawan ang mga babaeng rebelde.

Read more...