7 patay, 9 nawawala sa landslide at baha sa Albay

Hindi bababa sa pitong katawan ang narekober sa naganap na pagbaha at landslide sa Tiwi, Albay Linggo ng umaga.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) chief Manuel Damo, ilang sa mga biktima ng landslide ay mga menor de edad.

Sa Barangay Sogod, nakuha ang dalawang katawan ng lalaki at isang katawan ng babae sa gumuhong lupa.

Sa Barangay Bariis naman, narekober ang isang bangkay na pinaniniwalaang nalunod sa tubig-baha.

Samantala, siyam katao ang napaulat na nawawala; apat sa Sogod, dalawa sa Bariis at tatlo sa Misibis.

Ayon kay Damo, sinimulan ang retrieval operations bandang 5:00 ng umaga.

Sa ngayon, patuloy naman aniyang namamalagi ang ilang apektadong pamilya sa mga evacuation centers habang pinapahupa ang baha.

Read more...