North Korea, hinikayat ang mga turista na salubungin ang Bagong Taon sa kanilang bansa

Naglabas ang North Korea ng mga tour program para hikayatin ang mga turista na bisitahin at salubungin ang Bagong Taon sa naturang bansa.

Idaraos ang programa sa Pyongyang at iba pang kilalang tourist attraction mula December 29, 2018 hanggang January 5, 2019.

Inanunsiyo ito ng DPR Korea Tour sa kanilang website na pinapatakbo ng National Tourism Administration ng North Korea.

Sa naturang programa, maaaring ma-enjoy ng mga turista ang iba’t ibang event simula sa selebrasyon ng Bagong Taon sa Kim II-sung Square sa bahagi ng central Pyongyang hanggang sa idaraos na ice sculpture festival at iba pang arts performances.

Kabilang din sa programa ang biyahe sa Kaesong, ang kilalang border ng North at South Korea, at ang Mount Myohyang sa North Pyongan Province.

Hindi pang karaniwan ang alok ng naturang tourism agency ng North Korea para sa mga turista.

Read more...