Robredo sa publiko: Ipagpatuloy ang paglaban vs kahirapan, karahasan, kawalan ng hustisya

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang paglaban kontra sa mga problema ng bansa sa pagpasok ng taong 2019.

Sa kaniyang mensahe para sa Bagong Taon, sinabi ni Robredo na dapat ipagpatuloy ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa kahirapan, karahasan, kawalan ng hustisya.

Pinaalala rin ni Robredo ang pagkakaroon ng pag-asa para maiangat ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

Sa taong 2018, nakita aniya ng publiko ang kabayanihan, malasakit at walang takot na pagpapahayag ng katotohanan para sa kapwa.

Kasunod nito, sinabi ni Robredo na ang darating na bagong taon ay tsansa ng mga Pilipino para magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Read more...