Duterte, hindi nakadalo sa Rizal Day ceremony sa Davao

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya ng paggunita ng ika-122 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal sa Davao City.

Nakatakda sanang pangunahan ng Punong Ehekutibo ang flag-raising at wreath-laying ceremony para sa pambansang bayani sa Rizal Park sa Davao City, Linggo ng hapon.

Sa halip, si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang humalili sa nakatatandang Duterte.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang Palasyo ng Malakanyang kung bakit hindi nakadalo ang pangulo sa naturang seremonya.

Read more...