Pinatumba ni Amanda Nunes si Cris “Cyborg” Justino sa loob lamang ng 51 segundo sa unang round ng UFC 232, Sabado ng gabi.
Naiuwi na ni Nunes ang featherweight championship belt at tinapos ang 13 taong unbeaten record ni Justino.
Si Nunes ang ikatlong fighter sa kasaysayan ng UFC na mayroong hawak na dalawang title belts kasama nina Conor McGregor at Daniel Cormier.
Samantala, muli namang nasungkit ni Jon Jones ang light heavyweight title laban kay Alexander Gustafsson.
Ito ang unang mixed martial arts match ni Jones matapos ang 17 buwang magpapahinga.
MOST READ
LATEST STORIES