Bilang ng patay sa pananalasa ng Bagyong Usman, umabot na sa 22 – NDRRMC

OCD Bicol photo

Umabot na sa 22 katao ang nasawi dahil sa ulan dulot ng Bagyong Usman.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Edgar Posadas, sa naturang bilang, 16 ang nasawi mula sa Bicol region habang ang anim ay galing sa Eastern Visayas.

Karamihan aniya sa mga nasawi ay dahil sa landslide.

Lima katao ang naiulat na nawawala sa Sorsogon.

Ilang lugar pa ngayon sa Regions 5 at 8 ang lubog sa baha’t hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente.

Read more...