Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 240 kilometro Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Ngayong araw, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON at MIMAROPA dahil sa epekto ng LPA at ng tail-end of a cold front.
Dahil naman sa Amihan, aasahan din ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay generally fair weather ang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Dahil naman sa Anihan, nakataas pa rin ang gale warning o ipinagbabawal ang paglalayag sa buong baybaying dagat ng Luzon, hilagang baybaying dagat ng Palawan at Silangang baybaying dagat ng Eastern Visayas.