Ariana Grande, kinansela ang kanyang Las Vegas concert

Kinasenla ng popstar singer na si Ariana Grande ang nakatakda sana niyang concert sa Las Vegas dahil umano sa ‘health issues’.

Sa kanyang Instagram stories, lubos ang paghingi ng paumanhin ng 25-anyos na singer sa kanyang fans.

Nakatakda sanang magtanghal si Grande sa The Cosmopolitan hotel araw ng Sabado sa Las Vegas.

Ayon sa entertainment website na TMZ, mayroong bronchitis ang singer.

Hindi naman ito kinukumpirma pa ng kampo ni Grande.

Kundi lamang sa kanselasyon ng kanyang concert, maganda ang tapos ng 2018 kay Grande dahil ang kanyang kantang ‘Thank U, Next’ ay anim na linggo nang nangunguna sa Billboard Hot 100 chart..

Read more...