Ayon sa mga opisyal ng Bulan, umabot sa 2,285 indibidwal o 852 pamilya ang kinailangan nilang ilikas.
Nakaranas ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang bayan dahil sa bagyo.
Dalawa ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos maganap ang magkakahiwalay na landslides sa mga baranggay ng Cadandanan, Calpi, Palale, Quirino at San Juan Daan at mga sitio ng Calomagon, Liman, R. Gerona at Taromata.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Jaime Moriko, 71 anyos na namatay dahil sa hypothermia.
Tinatayang nasa P4.06 milyon na ang pinsala sa agrikultura ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES