Paghawak sa ‘private part’ ng isang maid noong kanyang kabataan ikwinento ni Duterte

Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kwento ng kanyang kapilyuhan noong siya ay nag-aaral pa.

Sa kanyang talumpati sa Kidapawan City, sinabi ni Duterte na ikinumpisal niya sa pari noon ang ginawa niyang panghihipo sa isang tulog na katulong.

Ayon sa presidente, pumunta siya sa maid’s room at hinawakan ng dalawang beses ang private part nito.

Matapos ang kanyang kwento, sinabi naman ng presidente na habang siya ay nagkukumpisal sa pari ay hinahawakan din umano siya nito.

Dito muling binanatan ni Duterte ang Simbahang Katolika at sinabing magdahan-dahan sa pagpuna sa kanyang mga ginagawa dahil mayroon din umanong mga pang-aabuso ang mga alagad nito.

Ayon pa kay Duterte, batay sa librong ‘The Popes’ na kanyang nabasa, nagkaroon ng anak ang isang Pope Leo XIV.

Binuntis din anya mismo ng naturang Santo Papa ang sariling anak at ang bata ay pinalaki at ginawang Santo Papa.

Gayunman, sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, walang Pope Leo XIV.

Ang huling Santo Papa na may kaparehong pangalan ay si Pope Leo XIII na pinamunuan ang Simbahang Katolika mula 1878 hanggang 1903.

Read more...