Sa talumpati sa Kidapawan City, binanatan ni Duterte ang kaparian dahil sa umano’y pananakit ng isang pari sa isang 15-anyos na batang babae sa Mandaue City, Cebu.
Tinawag ng presidente ang mga pari na parang mga prayleng Espanyol o mga pari noong panahon ng kolonyalismo ng Espanya na sinasabing naging mapang-abuso.
Muli ring inalala ng presidente ang insidente ng pag-aresto sa isang Amerikanong pari sa Biliran na inaakusahang nangmolestya ng 50 kabataan na kinabibilangan ng mga sakristan.
Ang naarestong pari sa Mandaue ay nakilalang si Fr. Decoroso ‘Cocoy’ Olmilla, Kura-Paroko ng Nativity of Mary Parish Church.
Sinasabing sinaktan ng 61-anyos na pari ang batang babae sa kabiguang hindi mapakain ang kanyang alagang aso.
Nahaharap ang pari sa kasong child abuse at sasailalim naman sa counseling at stress debriefing ang batang kanyang nasaktan.