Sa talumpati sa Kidapawan City, sinabi ng pangulo na ayaw niyang gamitin ang kanyang presidential burial plot dahil gusto umano niyang ma-cremate ang kanyang mga labi sakaling pumanaw na.
Dahil dito, sinumang may ambisyong maging bayani at gustong magpalibing sa LNMB ay kailangan lamang mag-bid.
Ang highest bidder anya ang makakakuha ng kanyang lote at ang kikitain ng gobyerno ay ipambibili ng bigas at ibibigay sa mga tao.
Ang biro ng pangulo ay matapos muli nitong bananatan ang turo ng Simbahang Katolika tungkol sa langit at impyerno.
Giit ng pangulo, totoo ang langit pero bakit naman anya gagawa ng tao ang Diyos para lamang ipadala sa dagat-dagatang apoy?
Makailang beses nang binanatan ng presidente ang Simbahang Katolika at tinawag ang Diyos na ‘stupid’.