Inanunsyo ng Interior Ministry ng Egypt na 40 militante ang nasawi sa serye ng operasyon na ikinasa ng gobyerno sa Sinai Peninsula at Greater Cairo area.
Ang pahayag na ito ng gobyerno ay ilang oras lamang matapos ang roadside bombing sa Marioutiyah na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang Vietnamese tourists at ng Egyptian guide.
Inilabas pa mismo ng Interior Ministry ang mga larawan ng mga militanteng nasawi sa mga raid.
Ayon sa pahayag, may plano ang mga militante na umatake sa mga tanggapan ng gobyerno, tourism facilities, army at police personnel at maging sa mga Christian churches.
Hindi naman sinabi ng gobyerno kung kailan naganap ang mga operasyon na tila pagpapahayag lamang na may ginagawa ang security forces para labanan ang mga militante.
Ang pag-atake na nangyari noong Biyernes ay inaasahang mas magpapahigpit sa seguridad na ipinatutupad sa mga busy areas ng bansa lalo na tuwing holiday season.