May nagbabalik.
Muling sumabak sa training si Filipino boxing champ Manny Pacquiao kasama ang kanyang long-time trainer na si Coach Freddie Roach.
Nagsisilbing consultant ngayon si Roach para sa laban ni Pacquiao kay Adrien Broner sa Enero.
Matatandaang bago ang laban ni Pacquiao kay Lucas Matthysse noong Hulyo ay gumawa ng ingay ang pagpapalit niya ng trainer.
Sa ngayon, ang head trainer ni Pacquiao ay si Buboy Fernandez.
Kasalukuyang umaarangkada ang training ni Pacquiao sa Lose Angeles.
Sa Enero 19 magaganap ang kanyang laban kay Broner na kanyang unang laban sa Estados Unidos matapos ang dalawang taon.
READ NEXT
Duterte hindi bilib kay Hesukristo sa pagpapapako sa krus; doktrina ng ‘Trinity’ binanatan din
MOST READ
LATEST STORIES