Sa kanyang talumpati sa Kidapawan City, Cotabato, sinabi ng presidente na hindi siya bilib kay Hesukristo dahil nagpapako ito sa krus.
Hindi niya anya maatim na ang Diyos ay papayag na maipako sa krus at kung siya anya ay Diyos ipag-uutos na lamang niya na tamaan ng kidlat ang mga erehe.
“Nakakawala ng bilib. Ako ang Diyos tapos ipako mo ako? P***** i**.
Sabihin ko, “Lightning, ubusin mo ito. Sunugin mo lahat ng mga herejes,” ani Duterte.
Ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo ay isa sa mga pangunahing doktrina ng Simbahang Katolika kung saan sandigan ng pananampalataya ang pagsasakripisyo ng Diyos para mailigtas ang sanlibutan sa kasalanan.
Samantala, sa kaparehong talumpati, tinawag din ni Duterte na kabaliwan ang doktrina ng ‘Trinity’ o ‘Banal na Santatlo’.
Giit ng presidente, iisa lamang ang Diyos at hindi ito pwedeng hatiin sa tatlo.
“Isa lang ang Diyos. There’s only one God, period. You cannot divide God into three. That’s silly,” ani Duterte.
Ang doktrina ng Simbahang Katolika tungkol sa ‘Trinity’ ay nagpapabatid na ‘isa’ lamang ang Diyos na may tatlong persona.
Muli namang nagbiro ang pangulo tungkol sa binubuo niyang relihiyon na tatawagin anyang ‘Iglesia ni Rodrigo’.