Track bumangga sa taxi sa EDSA-Congressional

By Erwin
Kuha ni Erwin Aguilon

Isang dump truck ang bumangga sa likurang bahagi ng isang taxi habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA southbound lane sa bahagi ng Congressional Avenue sa Quezon City.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa aksidente, pero nayupi ang likurang bahagi ng Euro Taxi na may plate number na TXR 689 dahil sa lakas ng pagkakabangga.

May kargang graba ang dump truck na may plakang APA 3864 na minamaneho ni Israel John Ocampo.

Katwiran ni Ocampo, bigla umanong huminto ang taxi kaya niya ito nabangga.

Pero ayon sa taxi driver na si Kens Macasasa, talagang hihinto na siya dahil dilaw na ang traffic light.

Wala namang nasaktan sa nasabing aksidente.

Read more...