Operating Room sa PGH nasunog

Nasunog ang bahagi ng operating room ng Philippine General Hospital (PGH), Martes ng umaga, November 17.

Ang operating room na nasa ikatlong palapag ng Osptial ang nasunog.

Ayon sa mga empleyado ng ospital may nakita silang umuusok sa ikatlong palapag at iyon ang pinagmulan ng apoy pasado alas 4:00 ng umaga.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog at agad naideklarang fire out bago mag alas 5:00.

Wala ring nasaktan sa sunog, pero ang ibang pasyente ay inilabas muna sa pagamutan.

Ibinaba ang mga pasyente na naka-confine sa 3rd at 6th floor para hindi nila malanghap ang usok.

Read more...