Pari sa Mandaue City, Cebu inaresto dahil sa pambubugbog sa isang babae

Inquirer file photo

Inaresto ang isang pari sa Mandaue City, Cebu dahil sa umano’y pambubugbog sa anak ng tagapagluto sa kumbento.

15 taong gulang ang babae at mayroon pang disability.

Batay sa ulat, nakilala ang suspek na si Father Decoroso “Cocoy” Olmilla, 61-anyos.

Si Father Olmilla ay pari sa Nativity of Mary Parish Church sa nasabing bayan.

Kwento ng mga nakasaksi, naganap ang pambubugbog at pagmumura ng pari sa mag-ina noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi pa ng isa sa mga saksi na hindi ito ang unang beses na nambugbog ang pari.

Ayon kay PO1 Richie Codiniera, mahaharap sa kasong child abuse si Father Olmilla.

Samantala, sasailalim naman ang ina at anak sa counseling at stress debriefing.

Read more...