Tumama ang panibagong lindol sa Davao Oriental, Sabado ng hapon.
Matapos ang anim na oras nang yumanig ang magnitude 7.2 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental naramdaman naman ang magnitude 5.6 na lindol sa parehong lalawigan.
Sa abiso ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 145 kilometers sa Silangang bahagi ng Governor Generoso dakong 5:13 ng hapon.
May lalim ang lindol na 43 kilometers at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naramdaman ang intensities sa ilang kalapit- lalawigan:
Intensity II:
– Manay, Davao Oriental
Intensity I:
– Gingoog City, Misamis Oriental
– Kiamba at Alabel, Sarangani
– Tupi, South Cotabato
– General Santos City
Gayunman, hindi naman inaasahan ang anumang pinsala o aftershocks matapos ang pagyanig.