Ito ay dahil sa mas maraming delegado ng APEC ang inaasahang darating ngayong araw.
Alas 5:40 pa lamang ng umaga ay may darating ng delegado na susundan ng arrival na alas 7:20 ng umaga, alas 11:10, alas 11:35 at alas 12:45.
Kabilang sa mga parating ngayon ang mga heads of state ng Peru, Thailand, Australia, US at Mexico.
Maliban sa pagpapahinto sa daloy ng traffic para sa arrival ng mga delegado ay ihihinto muli ang daloy ng traffic tuwing sila ay bibiyahe para sa mga dadaluhang aktibidad.
Kabilang sa mga lansangan na magpapatupad ng Stop and Go scheme ang bahagi ng EDSA, mga lansangan patungo sa Roxas Boulevard, Skyway at South Luzon Expressway.
Ayon sa abiso ng MMDA, tuwing daan ang mga delegado ay ihihinto ang daloy ng traffic ng aabot sa 30 hanggang 40 minuto.
Kahapon, libo-libong mga pasahero ang napilitang maglakad dahil walang masakyan sa patungo sa Cavite.
Bago ang pagpapairal ng Stop and Go scheme simula kahapon, ilang linggo nang paulit-ulit ang abiso ng MMDA at ng PNP-HPG hinggil sa magiging epekto sa daloy ng traffic ng gagawing pagpapahinto ng traffic tuwing may dadaang delegado.