Inalis na ang Phivolcs ang tsunami warning sa sampung lalawigan sa bansa.
Ito ay matapos tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental. Sabado ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang ilang minor waves sa dagat sa bahagi ng Mati, Davao Oriental na may taas na 0.8 meters bandang 1:10 ng hapon.
Sa ngayon, balik-normal na ang tide level sa mga dagat.
Unang nag-abiso ang Phivolcs sa posibleng dulot na tsunami ng lindol sa ilang baybayin ng Pilipinas.
Inalerto at pinag-ingat ang mga residente sa sumusunod na lalawigan:
– Compostela Valley
– Davao Del Norte
– Davao Del Sur
– Davao Oriental
– Davao City
– Sarangani
– South Cotabato
– Agusan Del Norte
– Agusan Del Sur
– Surigao Del Norte
– Surigao Del Sur
MOST READ
LATEST STORIES