Tumaas pa ang bilang ng mga nasusugatan dahil sa paputok base sa talaan ng Department of Health (DOH).
Tatlong araw bago salubungin ang Bagong Taon, nakapagtala na ang DOH na 43 firecracker-related injuries.
Sa nasabing bilang, nasa 38 ang nasugatan sanhi ng pagsabog, pagkasunog at pagkasugat sa mata.
Lima sa mga ito ang kinailangan na sumailalim sa amputation o putulan ng bahagi ng katawan habang ang 2 ay nakalulon ng firecrackers.
Base naman sa record ng DOH, nasa 91% ng mga biktima ay nasa pagitan ng edad na 2 hanggang 69 years old.
Marami rin sa nasugatan ay sanhi ng mga ilegal na paputok gaya ng boga at piccolo.
Sa kabila nito, sinabi ng DOH na mababa pa rin ito ng 51% kumpara sa naitala nilang mga firecracker related injuries noong isang taon.