Mga Pinoy sa Egypt, pinag-iingat ng DFA

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong turista at trabahador sa Egypt lalo na sa mga kilalang tourist destination.

Inilabas ng kagawaran ang travel advisory matapos ang pagsabog ng isang tourist bus sa Haram district, Giza region.

Apat katao ang namatay habang 10 naman ang sugatan.

Kabilang sa mga nasawi ang tatlong Vietnamese na turista at isang Egyptian na tour guide.

Ayon sa DFA, maliban sa mga turista, inabisuhan din ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt ang mahigit 5,000 Pilipinong naniniragan sa naturang bansa.

Read more...