LRT-2 mayroong libreng sakay sa Dec. 30

@OfficialLRTA photo

Magkakaroon ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa araw ng Linggo, December 30.

Ito ay para sa paggunita ng ika-122 death anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Gamit ang kanilang Twitter account, inanunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi sa araw ng Linggo.

Matatandaang ginawang holiday ng Palasyo ng Malakanyang ang December 30 para alalahanin ang kabayanihan ni Rizal.

Read more...