Nadal, “satisfied” sa kaniyang laro sa kabila ng pagkatalo vs Anderson

AFP photo

Sa kabila ng pagkatalo, “satisfied” pa rin ang Spanish tennis player na si Rafael Nadal sa kaniyang unang match matapos maoperahan.

Natalo si Nadal ni Kevin Anderson sa Mubadala World Tennis Championship sa Abu Dhabi sa three-set match sa iskor na 6-4, 3-6 at 6-4.

Ito ang unang tennis match ni Nadal matapos ang ankle surgery.

Ayon kay Nadal, naging mahirap ang laro para sa kaniya.

Dagdag pa nito, nakaramdam din siya ng pananakit sa kaniyang ankle injury matapos ang matagal na panahong hindi paglalaro.

Dahil dito, posible aniyang hindi siya maglaro sa araw ng Sabado para magpahinga.

Sumailalim si Nadal sa ankle surgey para alisin ang kaniyang loose intra-articular body noong Nobyembre.

Read more...