Bangladesh, nagpakalat ng 600,000 pwersa ng gobyerno para sa nalalapit na eleksyon

AFP photo

Pinaigting ng Bangladesh ang kanilang seguridad matapos ang naganap na karahasan sa kasagsagan ng general election.

Nagpakalat ng mahigit 600,000 na pulis, sundalo at iba pang security forces para sa napipintong botohon sa araw ng Linggo.

Kabilang sa ipakakalat na pwersa ng gobyerno ang elite Rapid Action Battalion, navy, border ar coast guards, at auxiliary police units.

Magkakaroon din ng 40,000 election booths ang mga otoridad.

Ayon kay Rafiqul Islam ng election commission, kinakailangang matiyak ang mataas na lebel ng seguridad sa Bangladesh.

Inaasahan aniya ang mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa bansa.

Nagkaengkwentro ang mga tagasuporta ni Awami League at mga aktibista ng Bangladesh Nationalist Party (BNP).

Dahil dito, 13 katao ang namatay habang libu-libo naman ang sugatan.

Read more...