3 katao patay sa landslide sa Albay

Patay ang mag-asawa at kanilang isang anak matapos gumuho ang lupa sa Legazpi City, Albay.

Ito ay bunsod ng dalang ulan ng Tropical Depression “Usman.”

Batay sa inisyal na impormasyon ng Bicol Region police, kinilala ang mga biktima na sina Mauro at Mia Lorete pati ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Marco Alegre.

Ayon sa pulisya, gumuho ang lupa sa bahay ng mga biktima sa Barangay Francisco.

Agad rumesponde at nagkasa ng rescue operation ang otoridad ngunit natagpuan nang patay ang mga biktima bandang 4:00 Sabado ng madaling-araw.

Read more...