Sa 2:00 pm update ng weather bureau, ito ay bunsod ng umiiral na tail-end of a cold front.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na posibleng magdulot ng pagbaha sa mga mababang lugar at malapit sa mga ilog sa naturang lalawigan.
Samantala, asahan naman ang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batangas at Laguna sa susunod na tatlong oras.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal at nalalabing bahagi ng Quezon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Pinayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na maging alerto at bantayan ang nararanasang sama ng panahon.