Sa isang panayam, inamin ni Jolie na kinokonsidera niyang tumakbo sa public office sa mga darating na panahon.
Aminado ang aktres na noon ay hindi sumagi sa isip niya na puma-imbulog sa daigdig ng pulitika pero ngayon aniya ay handa siya sa anumang paghamon sa buhay.
Hindi na bago sa aktres ang pagtulong sa kapwa lalo na sa mga biktima ng pang-aabuso at kahirapan.
Sa ngayon, si Jolie ay nagsisilbing Special Envoy ng Un Refugee Agency.
Sinabi pa ng aktres na nagtrabaho siya sa gobyerno at nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang military kaya mas magiging madali para sa kanya ang pumasok sa pulitika.
Pero hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Jolie at mas nais daw niyang manahimik muna sa ngayon.