Andray Blatche maglalaro muli para sa PH team mula Pebrero

INQUIRER photo

Kinumpirma ng naturalized Filipino player na si Andray Blatche na magbabalik siya sa Philippine National Team.

Ayon kay Blatche maglalaro siya sa Philippine Team sa muli nitong pagsabak sa 2019 Fiba World Cup Qualifying Games sa Pebrero.

Kinumpirma din ng Samahang Basketbol Ng Pilipinas ang pagbabalik at muling pagsusuot ni Blatche ng national color.

Katunayan, sinabi ng SBP na handang-handa na ang player para simulan ang kanyang training.

Si Blatche ay pinatawan ng three-game suspension dahil sa pagkakasangkot nito sa gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at ng Australian team noong Hulyo.

Read more...