Bagyong Usman papalapit na sa Eastern Visayas

Tatama na ngayong umaga ang sentro ng Bagyong Usman sa Eastern Visayas.

Sa 5am Severe Weather Bulletin ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 65 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Sa ngayon nakataas ang signal no.1 sa mga sumusunod na lugar:

• Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Group of Islands
• Southern Quezon
• Marinduque
• Romblon
• Southern Occidental Mindoro
• Southern Oriental Mindoro
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Catanduanes
• Albay
• Sorsogon
• Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
• Eastern Samar
• Northern Samar
• Samar
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
• Aklan
• Capiz
• Iloilo
• Guimaras
• Antique
• Northern Negros Occidental
• Dinagat Islands

Posibleng maranasan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Aurora kabilang na ang mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 1.

Bukod sa mga baybaying dagat ng mga lugar na nasa signal no. 1, mapanganib pa rin ang paglalayag sa seaborads ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon at eastern seaboard ng Surigao Provinces.

Bukas ng gabi o sa Lunes ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang Bagyong Usman.

Read more...