2 Vietnamese tourists patay sa pagsabog sa Egypt

AFP Photo

Isang roadside explosion ang naganap malapit sa Giza pyramids sa Egypt na ikinasawi ng dalawang turistang Vietnamese at ikinasugat ng 12 iba pa.

Ayon sa Interior Ministry ng Egypt, papunta sana ang bus lulan ang mga Vietnamese tourists sa Marioutiyah nang sumabog ang bomba na nakasiksik sa isang pader.

Kabilang sa mga sugatan ay ang bus driver na isang Egyptian at tour guide.

Sakay ng bus ang 14 na turistang Vietnamese kung saan dalawa lang ang hindi nasaktan.

Turismo ang isa sa mga pundasyon ng ekonomiya ng Egypt.

Gayunman, sa nakalipas na mga panahon, kalimitang tinatarget ng mga militante ay ang mga dayuhang turista.

Sa katunayan, noong nakaraang taon lang, dalawang German tourists ang pinagsasaksak hanggang sa mamatay sa isang hotel malapit sa sikat na Red Sea resort sa Hurghada.

Read more...