Motornap suspek sa viral video, naaresto na

Naaresto na ng mga pulis ang lalaking nang-agaw ng motorsiklo ng isang matanda sa Quezon City, na ang video ay nagviral sa social media.

Ayon sa Masambong Police, ang suspek ay kinilalang si Banjo Dela Paz.

Si Dela Paz ay nauna nang nakasagi ng isang kotse, na minamaneho ni Michael Angelo Agustin.

Pero nang naramdamang sisitahin siya, tumakas si Dela Paz at tinangay pa ang motorsiklo ng biktimang lolo na si Lunito Romo, 64-anyos.

At sa viral video, makikita kung paano tumakas si Dela Paz at sinakay pa nito ang matanda at kinalauna’y itinulak hanggang sa mahulog ang lolo.

Batay pa sa Masambong Police, ang motorsiklo na unang minaneho ni Dela Paz ay carnapped motorcycle din, at pag-aari ng isang Marvin Loyola na nagpa-blotter sa istasyon ng pulis.

Ang suspek ay nahaharap sa patong-patong na kaso.

Read more...