Paliwanag ng kampo ni Etheridge, na kilala sa pagigng goal keeper nito, hindi siya makakasama sa koponan ng Pilipinas dahil sa ilang “club commitments.”
Nabatid na nag-commit lamang si Etheridge para sa isang match, at ito’y ang laban sa South Korea.
Sa kabila nito, malakas pa rin ang 23-man roster ng Azkals, sa pangunguna ng magkapatid na Phil at James Younghusband.
Kabilang pa sa lineup sina Stephan Schrock, Daisuke Sato, Stephan Palla, Iain Ramsay, Javoer Patiño at Patrick Reichelt.
Ang papalit naman kay Etheridge ay sina Michael Falksgaard, Nathaniel Ace Villanueva at Kevin Ray Hansen.
Ang Azkals ay nakatakdang sumabak laban sa teams ng South Korea, China at Kyrgystan.
Sa January 3, 2019 ay bibiyahe na ang Azkals patungong Dubai, bago ang unang pagharap nito kontra South Korea sa January 7, 2019.