Sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 215 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Napanatili pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin nitong aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.
Mabagal pa rin itong kumikilos sa direksyong Kanluran.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio, mababa na ang tyansa na maging Tropical Storm pa ang bagyo.
Mamayang madaling araw ay tatama ang Bagyong Usman sa Eastern Samar at dadaan sa hilagang bahagi ng Leyte, Panay Island, Sulu Sea, Northern Palawan bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa ngayon nakataas ang Storm Warning Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar.
• Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Group of Islands
• Southern Quezon
• Marinduque
• Romblon
• Southern Occidental Mindoro
• Southern Oriental Mindoro
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Catanduanes
• Albay
• Sorsogon
• Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
• Eastern Samar
• Northern Samar
• Samar
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
• Aklan
• Capiz
• Iloilo
• Guimaras
• Antique
• Northern Negros Occidental
• Dinagat Islands
Nakataas ang orange heavy rainfall warning ngayon sa lalawigan ng Quezon kung saan mararanasan ang malakas na mga pag-uulan.
Yellow rainfall warning naman sa Iloilo, Capiz, Aklan, hilagang bahagi ng Antique, hilagang bahagi ng Negros Occidental kung saan makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.
Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa mga lugar na sa signal no. 1, seaboards ng Northern at Central Luzon, eastern seaboard ng Southern Luzon at eastern seaboard ng Surigao province.
Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa pagitan ng Linggo ng gabi at umaga ng Lunes.