WATCH: Albayalde nag-inspeksyon sa Bocaue, Bulacan; mga tindahan ng paputok sumusunod sa regulasyon

Radyo Inquirer Photo | Richard Garcia

Nagsagawa ng inspeksyon si Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Ito ay para matiyak na walang ipinagbabawal na paputok na ibinebenta sa naturang lugar ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa isinagawang inspeksyon sinabi ni Albayalde na lahat ng nagtitinda sa tinaguriang “Fireworks Capital of the Philippines” ay may karampatang permit at sumusunod sa regulasyon hinggil sa pagbebenta ng firecrackers.

Narito ang ulat ni Dona Dominguez:

Read more...