LOOK: Kanseladong flights dahil sa sama ng panahon

MIAA photo

Kinansela na ilang flights ngayong Biyernes (December 28), dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, ang mga kanselado na ay ang flights ng CebGo na DG 6073/6074 (Manila-Tablas-Manila); at DG 6195/6196 (Manila-Legaspi-Manila).

Ang mga naturang flight ay sa Ninoy Aquino International Aiport o NAIA Terminal 4.

Payo ng MIAA sa mga pasahero, kung nakansela na ng flight ay huwag nang pumunta sa paliparan upang makaiwas sa abala o perwisyo.

Ang tickets naman ay maaring i-rebook o kaya i-refund, basta’t makipag-ugnayan sa airline company.

Read more...