Umabot na sa mahigit 20,000 ang bilang ng mga pasaherong stranded ngayon sa mga pantalan dahil sa Bagyong Usman.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, 20,357 na pasahero ang istranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Mayroon ding stranded na 1,772 rolling cargoes; 120 na barko, at 21 motorbanca.
Nakapagtala ng pinakamaraming stranded na pasahero sa mga pantalan sa Bicol Region na umabot sa 7,793; sunog ang Eastern Visayas na may 4,511 at ikatlo ang Southern Tagalog na may 3,479 na stranded na pasahero.
Mayroon ding mga stranded na pasahero sa mga sumusunod na pantalan sa bansa:
National Capital Region
Central Luzon
Central Visayas
Western Visayas
Northern Mindanao
Southern Visayas
MOST READ
LATEST STORIES