May ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw, November 17.
Magbababa ng 40 sentimos kada litro ng gasolina, 30 sentimos naman sa kada litro ng diesel at 45 sentimos sa kerosene epektibo m alas 6:00 ng umaga ang Shell at Seaoil, habang ang Petron naman ay kanina pang hatinggabi nagpatupad ng pagbaba sa presyo.
Simula rin alas 6:00 ng umaga, may rollback din na 40 sentimos kada litro sa gasolina at 30 sentimos kada litro ng diesel ang PTT Philippines at Phoenix Petroleum.
Nauna naman nang nagbaba ng presyo ang Eastern Petroleum Corp. kung saan nakaltasan din ng 30 sentimos ang kanilang diesel habang 40 sentimos naman sa kada litro ng gasolina simula pa kagabi ng alas 6:00.
MOST READ
LATEST STORIES