‘Anonymous hacktivists’, naglunsad na ng ‘cyber war’ laban sa ISIS

 

Screengrab mula sa YouTube

Nagdeklara na ng gyera ang Anonymous hacktivists laban sa Islamic State of Iraq and Syria.

Ito’y matapos magsagawa ang ISIS ng serye ng mga karumaldumal na pag-atake sa Paris, France na kumitil sa 129 na katao at ikinasugat ng mahigit sa 300 na iba pa.

Sa video na kanilang pinost online, sinabi ng isang lalaking nakasuot ng Guy Fawkes mask, hindi nila hahayaang hindi maparusahan ang mga nasa likod ng pag-atake.

“Expect many cyber attacks. War has been declared,” sabi pa ng lalaki sa video.

Handa na umano silang ilunsad ang kanilang pinakamalaking operasyon laban sa teroristang grupo kaya asahan na nila ang maraming cyberattacks.

Ang Anonymous ay isang samahan ng mga computer “hacktivists” o mga aktibistang hackers na nasa likod ng maraming cyberattacks.

Read more...