Tumanggap si Filipino gymnast na si Caloy Yulo ng cash incentive mula sa Philippine Sports Commission o PSC.
Ito ay dahil si Yulo ang kauna-unahang Pinoy at unang lalaking Southeast Asian gymnast na nakakuha ng medalya sa World Championships.
Mismong si PSC Commissioner Celia Kiram ang nag-abot kay Yulo ng cheque na may halagang P250,000.
Kamakailan lamang ay nakuha ni Yulo ang bronze medal sa 48th World Artistic Gymnastics Championship na ginanap sa Doha, Qatar noong Nobyembre.
Si Yulo, 18-anyos, ay gumawa ng kasaysayan dahil sa pagiging unang Filipino na mag-qualify sa isang all-around final, at pagkakakuha pa ng medalya.
Nabatid pa na siya ang pinakabata mula sa siyam na competitors sa men’s floor final ng nabanggit sa sports tournament.