Sa kanyang official Twitter account, sinabi ni Coelho na ang “Kinatay” ay ang isa sa “most disturbing movies” na napanuod niya sa taong 2018.
Aniya, ang pelikula ay mayroong “great screenplay, director, actors.”
Sinabi ni Coelho na kung ang Hollywood director na si Quintin Tarantino ang nag-direk ng pelikula, posible raw na mapasama ito sa shortlist ng Oscar.
Pero sa katunayan, ang naturang independent drama film ni Direk Brillante Mendonza ay inilabas noon pang 2009. Ito ay patungkol sa isang criminology student na sumali sa isang sindikato upang kumite ng pera para sa pamilya.
Nag-premiere pa ito sa 62nd Cannes Film Festival.
Ang naman post ni Coelho sa Twitter, umani ng maraming likes at retweets mula sa Filipino fans at celebrities.
Si Anne Curtis, kinilig dahil napansin ni Coelho ang Filipino film ni Mendoza.