Pag-imprenta ng mga balota para sa 2019 midterm elections posibleng simulan na sa Enero

Plano ng Commission on Elections (Comelec) na maumpisahan sa ikalawang linggo ng Enero sa 2019 ang pag-iimprenta ng mga balota para sa May 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahigit 60 milyong balota ang kailangang maimprenta para sa halalan.

Sa ngayon, sinabi ni Jimenez na hinihintay na lang na maaprubahan ng Comelec en banc ang pinal na listahan ng mga kandidato para maumpisahan ang printing.

Samantala, abala pa sa ngayon ang Comelec sa pagtukoy sa mga kandidato na hindi kwalipikado para tumakbo sa eleksyon.

Kabilang ditto ang mga napatawan na ng pinal na parusa ng korte para sa kasong kriminal at mga napatawan ng disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Tiniyak naman ni Jimenez na bagaman naantala ang pagpapalabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato ay hindi naman ito makakaapekto sa inilatag na aktibidad para sa paghahanda sa eleksyon.

Read more...