Ito ay matapos ang sunud-sunod na pagkakadakip sa mga Chinese national na iligal na nagta-trabaho sa Pilipinas.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mas paiigtingin pa ng BI ang kanilang intelligence gathering hinggil sa presensya ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Sinabi din ni Guevarra na mahigpit sa pag-iisyu ng ang special working permit ang BI at ang binibigyan lamang nito ay ang mga magtatrabaho sa Pilipinas sa loob lamang ng kulang-kulang anim na buwan.
Ginawa ni Guevarra ang pahayag matapos sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat nang alisin sa BI ang pag-iisyu ng work permits sa mga dayuhan.