Tatlong bata sugatan matapos masindihan ang mga paputok sa Cavite

File Photo

Sugatan ang tatlong bata matapos aksidente masindihan ang mga paputok sa General Mariano Alvarez sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Calabarzon police spokersperson Supt. Citadel Gaoiran, kinilala ang mga bitkima ay magkaka-anak at nasa pagitan ng edad 3 at 5.

Naglalaro umano ang tatlo sa Brgy. Poblacion nang isa sa kanila ang may sinindihang paputok at saka naitapon ito sa tambak pa ng mga paputok.

Agad isinugod ni Joy Ericka Egranes tiyahin ng mga biktima ang tatlong bata sa ospital.

Maswerteng minor burns lamang ang natamo ng tatlo.

Read more...