Sa pahayag ng Antipolo City Government, kusang nagtungo sa pulisya ang tumakas na preso at isinuko ang sarili.
Dahil dito, all accounted na umano ang mga preso at lahat ay naibalik na sa selda.
Pinawi na rin ang pangamba ng mga residente sa Antipolo at mga kalapit na bayan.
Sinabi rin ng lokal na pamahalaan na ang selda numbers 8, 9 at 10 ang naapektuhan ng sunog.
Ang mga preso sa nasabing mga selda ay pansamantala munang inilipat sa ibang jail facilities base sa utos ni Antipolo Mayor Jun Ynares.
READ NEXT
Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nadagdagan pa; umabot na sa mahigit 17,000
MOST READ
LATEST STORIES