Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nadagdagan pa; umabot na sa mahigit 17,000

Matnog Port | Photo from MARINA
Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan ng dahil sa bagyong Usman.

Sa huling datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 17,315 ang bilang ng mga stranded sa mga pantalan na magsisiuwian sana sa kani-kanilang mga lugar para ipagdiwang ang Bagong Taon.

Maliban sa mga pasahero, mayroon ding stranded na 1,443 rolling cargoes; 116 na mga barko, at 24 na motorbancas.

Sa mga pantalan sa Bicol Region nakapagtala ng pinakamaraming stranded na pasahero na umabot na sa 6,586; sinundan ito ng mga pantalan sa Eastern Visayas na mayroong 4,091 na stranded at ikatlo ang Southern Tagalog kung saan aabot sa 1,770 ang stranded.

May mga stranded ding pasahero sa mga pantalan sa NCR, Central Luzon, Central Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, at Southern Visayas.

Read more...