Traslacion 2019 pinaghahandaan na ng NCRPO

NCRPO Photo

Pinaghahandaan na ng National Capital Region Police Office ang magaganap na Traslacion sa Itim na Nazareno sa January 9 sa Maynila.

Kahapon, Dec. 27 nagdaos ng security briefing ang NCRPO sa pangunguna ni Police Dir. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Kasama din sa security briefing at consultative conference si Sr. Supt. Vicente Danao, ang hepe ng Manila Police District.

Tinalakay ang ipatutupad na seguridad para matiyak na mananatiling payapa ang Traslacion 2019 na taun-taon ay dinarayo ng milyon-milyong mga deboto.

Ayon sa NCRPO, magtatalaga ng sapat na bilang ng mga pulis at kagamitan sa lahat ng lugar na daraanan ng Traslacion.

Read more...