Mananatili sa koponan ng Rain or shine ang two-time MVP na si James Yap.
Sa gitna ito ng spekulasyon na kinukuha ng ibang koponan ang manlalaro kasunod ng pagtatapos ng kanyang kontrata.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Yap ang pagpirma niya ng 3-year extension sa Elasto Painters.
Ibinahagi din nito ang larawan kasama ang Rain or Shine bosses na sina Raymond Yu at Terry Que.
Si Yap ay nakuha ng Rain or Shine sa pamamagitan ng trade-off noong 2016 at posibleng ito na umano ang kanyang “final deal.”
Sa pagtatapos ng kanyang kontrata ay 39 years old na si Yap.
MOST READ
LATEST STORIES